» 72 members viewed your profile in past 72 hours ( 662 in total)
» 9 members added your profile to their favourites
» you have 39 friends
» you have 3 favourites
» you viewed 43 profiles in past 72 hours ( 8 in past 24 hours)
» you sent 7 messages in past 24 hours
Hindi ko alam kung paano ko ikukumpara ang statistics na yan sa iba pero yan ang nakuha ko sa loob ng 3 linggo matapos kong lagyan ng picture ang aking account sa isang gay community site.
Isang maliit na experimento lang ang ginawa ko marahil dala na rin ng pagiging bored sa current location ko, ang gusto ko lang naman e ang may makausap o makachat pero since sabi ng isa kong kaibigan na walang papansin sa akin kung walang nakalagay na picture sa profile ko.
Pero maprinsipyo kasi kong tao, katwiran ko naman kasi e chat lang naman yun bakit kailangan pa ng picture? yung iba webcam pa gusto. Oo sabihin na natin na sino ba naman ang gustong makipag usap sa pader? Bago pa mauso ang cellphone at video call, dba aliw na aliw tayong makipagbolahan sa telepono, di rin naman natin kita kausap natin so wala rin diperensya yun sa chat. Well, very old school. Mas may trill kasi pag may konting mystery. hehe.
Another reason ko din kasi e I want to preserve yung pagiging discreet, mahirap mahuli at lalong mas mahirap magdeny lalo na pag di ka sanay, hehehe.
Tuloy pa din ako sa pagiging lurker sa mga gay forum, tingin kung sinong ok at not so ok, hindi rin ako nagme-message dahilan na rin sa "no pic, no reply" policy nila. Mag message man ako ng "hi", e for sure na isasagot dun e, "face pic pre". E obvious bang wala ngang picture yung profile, hihingan pa, kung meron man edi sana inaattach na lang dun sa message, kaya nakakabwisit din minsan. hehe.
Minsan nag aayos ako ng mga picture sa hard drive ng mapansin ko ang isang picture na nakahiga bigla tuloy akong nagkaideya na pwede ilagay as profile pic yun pero siempre kailangan ko pa din
itago ang mukha ko. Since 2009 na ngayon, tama na ang prinsipyo kailangan ng konting twist sa nananamlay na adventure ni macoy hehe. Kaya kahit may konting pag aalinlangan e pinost ko din ang larawan iyan sa akin account.At dyan nagsimulang i-invade ni macoy ang gay community sites.
Matagal nakong member ng nun site na yun pero di ko ito madalas puntahan kumpara dun sa isa pa. Una, lagi kong nakakalimutan yung password ko dun. Pangalawa, walang forum na pwedeng tambayan at tumawa sa mga laitan ng mga kapwa member. Pangatlo, kung sino ang member sa g4m e malamang yun din ang member sa mj. Pero dahil nga sa intensyon na i-update ang account pinagtyagaan ko pa rin ang yung site. Malamang kung tambay kayo sa site na binabanggit ko e naencounter nyo na ko.
Sa tatlong linggo kong pamamalagi dun, nakilala ko sina aspiring tnt, hipponpotamus, conotic ofw, si hunkkulit at iba pang mga character sa cyber chat. Ang kanilang mga istorya at iba ko pang obserbasyon sa susunod kong entry.
Itutuloy ulit....
Naks, dapat ilagay rin yang avatar ng blog. Hahaha. Aabangan namin ang iyong mga kwento kuya Macoy. :)
ReplyDeleteat dito magsisimula ang version 2009 ng "the not so naughty me". abangan! hehehe
ReplyDeleteHehehe, dala yan ng boredom Macoy. =)
ReplyDeleteThis is Mr. Scheez nga pala, pa-update na lang po ng blog roll mo. Tnx! =)