Tuesday, September 22, 2009

A Fresh Start

Halos limang buwan din nung huli akong sumulat sa blog ko. Nakapagbakasyon nako sa pinas at may mga nangyari naman pero d ko pa rin magawang magsulat.

Ilang araw ko na din binabalik balikan itong blog para sa first entry ko with my new layout pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Ngayon, mahigit dalawang oras nakong nakaharap sa computer pero di ako makaisip kung ano ang pwede kong isulat. Ano pa bang pwede na hindi pa naisusulat ng iba?

I opened my gmail account kasi meron pala akong kailangan gawin email para sa ahente ng lupa. Bigla na lang may familiar na pangalan ang nag online... si ex! Kinabahan ako, di ko alam kung magmemessage ba ako sa kanya o hindi.

Pero pagkakataon nga naman, birthday nya bukas. Matagal ko ng pinag iisipan kung babatiin ko ba sya o hindi? May takot din ako na baka di nya ko pansinin. lakasan na lang ng loob...

me: happy birthday!
ex: u remembered, thanks
me: of course po. hope ur doin fine
ex: bukas pa bday, ok naman ako
me: 23 na sa pinas
ex: ikaw musta?
me: ok lang ako d2. can i ask u something?
ex: ano?
me: galit ka ba sa akin?

Walang kagatol gatol na naitanong ko yun sa kanya. Bigla akong napaisip, handa ba ko sa possible nyang sagot sa tanong ko?

ex: huh? di naman, bakit?
me: kasi di mo ko pinapansin e
ex: sus naman, pinansin naman kita ngayon ah
me: happy nga ako e, kung alam mo lang
ex: kung alam ko lang na? ano?
me: kasi takot ako mag message sayo , kasi baka di mo ako pansinin
ex: naman macoy, ikaw talaga, pwede ba akong magalit sa yo?
me: oo naman, bkit naman hindi

Nasa kanya lahat ng karapatan para magalit sa akin, cguro nasabi nya lang yun dahil kausap nya ko. Ganun pa man, biglang lumuwag ang aking pakiramdam marinig yun sa kanya. Parang ang sarap balikan ng nakaraan, pero maingat ako sa mga salitang binibitawan, ayokong mag assume at ayoko din mareject.

ex: ok, kausapin ko lang mama ko ha
ex: alam ko may facebook ka
ex: lol, goodnight
me: alam ko din meron ka, pwede ba kita iadd?
ex: y not?
me: ok i will. enjoy ur birthday. happy birthday ulit. thnx din

Muli akong napangiti sa message nya, I may not know how often nya binibisita facebook ko pero the mere fact na alam nya na meron ako, e nakakataba na ng puso. Yup, alam ko din na may facebook siya pero wala nga akong lakas ng loob harapin sya. May permisso na sya na i-add ko sya pero di ko alam kung ia-add ko nga sya. May takot pa din ako kung ano ang makikita ko sa loob ng facebook nya. Cguro sa takdang panahon at oras.

Ayoko sanang maging cheezy unang entry ko, pero sadyang may paraan para simulan ang panibagong chapter sa buhay ni macoy. Natapos ang aking blog nuon na may mabigat na dinadala, ngayon maluwag sa loob kong magsulat muli.

Sa pagbukas muli ng aking blog, di ko na ninais na maging naughty pa, marahil cguro paminsan minsan pero ipinapaubaya ko na ang mga ganung klaseng kwento sa mga batang blogger na higit na malaya at matapang.


5 comments:

  1. emo ang start ah. hehehe. oks lang, di pa naman kita nakitang emo. so totohanan na ba iyang pagiging good boy mo? ang alam ko good boy ka na ng pumunta ka ng new york noong 2007. :)

    ReplyDelete
  2. Nice nice!!

    Ito yata ang isa sa pinaka matalinhagang entry na nasulat mo ah. And I'm proud your tone is changing. Nagiging iba na ang pagtingin natin sa mundo ah!

    Naging mapait man ang mga relasyon ko, pero sa bandang huli, nakakalimutan rin natin ang nakaraan. Yun ang dahilan kung bakit di ako nagtataka na kinausap ka ni ex mo.

    ReplyDelete
  3. Sabi nila, time heals. Tingin ko, tama si utol.. time makes us forget. :-P

    ingat ingat diyan!

    ReplyDelete
  4. napangiti ako sa post mo na ito. Masarap nga sa pakiramdam na after long years na me dinadala, biglang nabunot yung tinik, feels like freedom.

    Welcome back to blogging! at mukhang Goody goody na si macoy!
    na miss ka na namin dito.

    ReplyDelete
  5. tagal ko din na sinusubaybayan to... haaayss.. stay happy...

    ReplyDelete