Pumasok ako sa coffeebeans para magpalipas ng oras.
Habang naghihintay ako ng order kong kape napansin kita sa gilid. Nakapang-opisina kang suot, may kasamang maaring iyong kaopisina. Busy ka sa pagtype mo sa iyong laptop habang kadiskusyon ang iyong kasama.
Pasimpleng sumilip ako kung ano pinagkakaabalahan nyo. Nakabukas ang excel habang patuloy ka pa din sa pag type. Napansin ko meron ka ng singsing. Sayang kasal ka na.
Nakuha ko na ang kape ko, sa labas ako pumuwesto para makapagyosi. Sa pagkaupo ko nagkataon na nasusulyapan kita. Hawig mo yung dati kong kaopisina, malakas ang dating mo para sa akin.
Lumipas ang ilang minuto, napansin ko umalis na ang iyong kasama. Pinagmasdan kita at inobserbahan ang iyong kilos. Mukhang normal ka naman, bukod sa madalas mong pag tawag at text sa telepono.
Alam kong ilang minuto na lang at aalis ka na rin.
Sa muli kong pagsulyap nag aayos ka na ng yong gamit. Sinabayan ko rin ng tayo ang pag alis mo baka sakaling mag cr ka at dun tayo magkaalamanan.
Sa likod na pintuan papasok sa mall balak ko dumaan papunta sa CR sa pag aakalang sa harap ka naman dadaan dahil mas malapit ito sa kinauupuan mo pero sa likod ka din dumaan. Nawalan nako ng pag asa na baka di ka na mag CR. Dumiretso nako at umihi sa dulong urinal. May dalawang taong nauna sa akin na sa pakiwari ko ay nag hihintayan at nagpapakiramdaman hanggang yung isa ay pumasok sa cubicle.
Napatingin ako sa reflection ng tiles sa aking harapan dahil sa ingay na dinulot ng pagsara ng cubicle. Saktong pumasok naman ang misteryosong mama. Ngunit di mo tinuloy ang pag ihi, malamang naintimidate ka sa taong nakaabang lamang sa CR o dahil nakita ako...
Nanalamin ka lamang at umalis na rin agad.
Bakit sya pumasok ng CR kung di naman sya iihi?
Nahiwagaan ako sa ikinilos nya kaya sinubukan ko syang sundan pero magkaiba kami ng parking floor.
Nagmadali kong inilabas ang aking sasakyan upang abutan ka sa first floor parking, nakita kita nag aayos pa lang ng kotse. Sadyang mabilis ang pangyayari, hintayin sana kitang magpaandar ng sasakyan pero meron ng nakasunod sa akin likuran. Tuluyan nakong lumabas ng parking na umaasa na masagot ang misteryo.... sayang!