Bakit may ugali tayo na patuloy pa din magbilang ng taon kahit tinuldukan na to? Isang magandang halimbawa e matapos makipagbreak sa partner mo e patuloy pa din ang pag alala sa araw ng anniversary nyo halos taon taon.
Nagising ako kanina na parang may something about the date today. Ayun, ngayon sana ang 7th year anniversary namin pero mahigit sa apat na taon na rin kaming hiwalay. Minsan sinubukan ko syang batiin para malaman ko lang reaksyon nya, pero ako lang nasaktan dahil dedma lang sya.
Ano kaya sakaling kami pa rin hanggang ngayon?
Nagplano kami na mangingibang bansa at dun magsasama. Ngayon, parehas na kaming wala sa pinas, kahit magkaiba ka ng bansa di naman ganun kalayo. Ano ba naman ang 2 hours flight kung makakapiling mo ang mahal mo. Siguro tuwing may pagkakataon gaya ng long weekends e magkasama kami mag road trip at iexplore ang ibat ibang sulok ng amerika.
Oo, nagagawa namin yun...in our own separate ways!
Awww. Kakalungkot naman. :) Malay mo, sa ibang pagkakataon naman, ang bago ang makakasama mo.
ReplyDeletehehe ako rin meron habit ng pagbibiling ng mga taon kahit past na. senti lang hehe
ReplyDeleteibig bang sabihin niyan di ka pa lubusan na nakapagmove-on?
ReplyDelete