Thursday, May 26, 2011

Ikaw nanaman...

Nanaginip ako.

Namatay daw ako. Yung kaluluwa ko andito pa sa lupa. Meron pa daw akong ibang kaluluwa na kasama ko. Tinanong ko sila kung pwede kong bisitahin mga mahal ko sa buhay. Pwede naman daw. Eto yung pagkakataon na pwede mong makita kung ano pinagkakaabalahan nila ng di ka nila napapansin.

Ewan ko kung bakit ikaw yung pumasok sa isip ko na bisitahin.

Pinuntahan kita sa opisina mo pero wala ka na duon. Bumalik ako sa sumunod na araw, naabutan kita na busy sa iyong normal na working routine. Binulong ko ang pangalan ko sayo. Hinintay ang reaksyon mo, baka sakaling buksan mo ang facebook at mabasang ako’y naglaho na sa mundo.

Pero sadyang di ko ata mababasa takbo ng isip mo. Bigla na lang akong nagising!

***
Medyo naguluhan ata ako sa panaginip ko.  Bakit kaya sya ang pumasok sa isip ko na bisitahin? Ibig ba sabihin nun na di pa rin ako nakamove-on sa kanya, kung tutuusin e sandali lang na naging kami. O baka naman gusto ko pa rin sya? 

Hmmm... siguro nga nami-miss ko lang sya. Pero not to the point na gusto kong magkabalikan kami, kumbaga for good old time sake lang.

Ang gulo ko nga!...

4 comments:

  1. Baka nga may gusto ko pa rin sa kanya. Ok lang yun. Malay mo naghihintay rin sya sa'yo ... for good old time sake :-)

    ReplyDelete
  2. friends na lang kami, iba hinihintay nun hehe. Thanks for the comment though. :D

    ReplyDelete
  3. Buti naman at friends pa rin kayo. May iba syang hinihintay? Hhhmm ... Dali naman nya makapag-move on. Loko yun a. He he he. Anyway, I hope you well :-)

    ReplyDelete
  4. Good to know about your blog i want to more information.
    Thanks for sharing with us.

    be naughty

    ReplyDelete