Mahirap ang buhay PLU nuon, walang way para makakila ng kapwa PLU. Sobrang tago lahat at pwede mong isipin na nag iisa ka lang na plu sa mundo.
Di rin nakukuha sa titigan lang sa kalye o mall dahil baka tyak sapak ang abot mo, di kagaya ngayon na magkasalubong lang kayo ng tingin e may kasunod na:
"Pare ano cellphone number mo?"
Naalala ko pa nung nasa 4th year college ako, excited kaming magkakaklase dahil meron ng libreng 10 hours internet access for 1 semester, siempre kasama yun sa binayaran naming tuition fee. Di pa ganun kadami ang mga internet cafe at di pa masyado sikat ang internet. Ang mga computer shops nuon e para lang sa paggawa ng thesis at pag-print ng mga projects.
Tuwing break time namin di pwedeng di kami dadaan sa internet room, dahil bagong install lang ang computer at mejo bopols pa mga IT nun, di pa naka-blocked ang mga porno sites. At dahil sa all-boys-school kami, di maiiwasan ang mga patagong silip sa mga bawal na sites. Pero di ako masyado naeexcite sa mga nakikita ko dahil di iyon ang hinahanap ko.
Wala pa akong ka-ide-ideya kung ano ang chat. Sinabihan lang ako ng kaklase ko na pumunta sa isang site at mag create ng account na ginawa ko naman, di ko maalala kung anong site yun basta hindi sa yahoo. Sinabihan nya ko na mangulit sa room na pinasukan namin, kunwari ay di kami magkakilala at kung sino sino lang niloloko namin.
Dun ako nasimulang mamulat na kung pwedeng makipagchat sa mga straight e malamang na meron din mga PLU. Simula nun ay kinulit ko na ang nanay ko na ibili ako ng computer at magpakabit ng internet dahil kailangan namin sa eskwelahan. Kinalaunan at sa pagpupumilit ay ibinili rin ako.
Akala ko madali lang makahanap ng plu, pero di rin pala. Madalas kong puntahan e chat site sa abroad na kadalasan naman ay di ka na papansinin once na malaman na ubod mo ng layo sa kanila. Wala ka pang makikitang pinoy chat room at karamihan pa sa mga sites ay may bayad.
Sa sobrang pursigido ko sa pag iinternet, di ko maalala kung may nakapagsabi sa akin o sadyang naligaw ako sa Yahoo! Ibang iba pa ang interface ng yahoo nuon. Di pa uso ang yahoo messenger pero meron silang Yahoo group na hanggang ngayon naman e existing pa din.
Dun may mga gay group pero limited lang ang mga tao tsaka hindi sya for public kailangan mo muna mag ask sa moderator na isali ka sa group. Once maaproved ang membership mo excited kang pupunta sa group site only to find out na lilima lang kayong member at wala pang mga postings.
Isang group lang ako nag enjoy, yun ang 'manila masturbation club'...
Itutuloy...
ang internet ay ipinanganak dito sa pilipinas in the 90's lang kahit na in the 70s meron na talagang internet na ginagamit ng US military. sa isang interview doon sa MGG, nabanggit doon na ang pag cucruise sa sinehan "is a 70s thing". ibig sabihin, di naman talaga ganoon kahirap ang buhay PLU (cruising) bago mag internet age. siguro ang mahirap doon iyung magkaroon ng PLU relationship dahil sa talagang patagao ang mga PLU noon. pero tama ka, kasabay ng internet revolution ang PLU revolution. hehehe.
ReplyDeletenice post by the way. ;)
Hula ko, 4th year ka eh 1st year ako. Hindi ba MIRC ang napasukan mo?
ReplyDelete