Monday, August 04, 2008

Dead Phones

I used to have three mobile phones, one for each of the giant network providers. I still have them but I no longer use the globe and smart phone. I'm currently sticking to sun where I have a 24 months subscription contract.

Recently, nakita ko brother ko na may bitbit na bagong nokia phone, so to date lima na ang active cellphone nya.  Tinanong ko nanay ko kung bakit bumili nanaman ng phone kapatid ko e kakabili lang nya ng sony ericsson maybe 3 months ago.  Ni-renew daw ng kapatid ko yung subscription nya sa sun kaya binigyan sya ng bagong unit, valid nga naman.  So in short, naiinggit ako kaya binalak kong gamitin ulit ang mga nakatago kong cellphones.

Bumili ko ng globe sim, sinalpak ko sa lumang nokia 3230 phone at sabay charge.  Natagalan bago ko ma-open, cguro na-drain masyado battery kaya kahit anong pagpupumilit kong buksan agad e ayaw talaga, walong buwan ba naman cyang di buksan e. Hinayaan ko na lang muna na ma-full batt.  

Excited sa pagbukas ng menu, may message na pumasok agad.  Expected ko na na welcome message yun from globe.  Pagbukas ko ng inbox, tumambad sa akin ang mahigit sa 1900+ na messages.

I have this bad habit of keeping messages from persons dear to me. 

Ayun! Binasa at binalikan ko isa isa kung ano laman ng mga messages na tinago sa mahigit na 2 taon.  Di ko na tinapos lahat, ayoko ko na lang maalala masasayang nakaraan. naks!

Ayoko man kalimutan yung mga taong yun pero isa yun sa mga paraan kung paano ko tatalikuran ang nakaraan at hmarap sa kasalukuyan ng di lalong nasasaktan.   

Naging epektibo naman kahit papano.

Tuluyan na ngang nawala yung 3 taong I value most.

Yung isa nakita ko minsan, nawala daw phone nya kaya di nya ko makontak. Hiningi nya ulit number ko, binigay ko naman pero I never heard from him since then until magkita ulit kami.  He asked again, sabi ko since I know his account sa isang gay community site, dun ko na lang i-send which I never did. What for?

The other one naman anjan lang, we keep in touch but since Im using a sun number mejo magkaiba kami ng network provider kaya siguro di ako ma-text or maybe because of some other reasons.

Ang pananaw ko kasi nuon kaya tatlo ang sim ko para i-accomodate sila gamit ang promong unlimited text. Pero nagbago yun, ano ba naman ang piso text para makibalita at mangamusta.  Kung di mo ko kayang itext dahil nanghihinayang kang maputol ang unli text mo e isa lang ibig sabihin nun, you don't value me.

The last person which I treasured most e tuluyan ng nagbago ng pananaw at pakikitungo sa akin.  Di ko sya masisisi dahil kasalanan ko naman talaga.  I terribly miss his company but I respect him for his decisions.

Ngayon, malapit nakong magrenew ng subscription ko sa sun.  Should I maintain another phone? di na siguro sakit lang ng ulo yun. 


5 comments:

  1. uu nga wag na, bigay mo na lang sa iba yng new phone na makuha mo

    wink wink LOL

    ReplyDelete
  2. hey macoy,

    sayang magmaintain ng sun kung hinde sun ang madalas mo kchat at katext. ako i had my line pero dahil sa ex ko na gago, ayun im tied to it for two years hinde ko naman mamaximize dahil sa napaka gandang signal reception. o well, sa akin mo na lang ibigay ung bagong unit kapag nag renew ka. hehe

    ReplyDelete
  3. whew andami naman phone ng kuya mo. ako tatlo rin ang phone
    ung isa pang local number dito sa ibang bansa
    ung isa roaming smart,

    Ung isa pang globe, walang kwenta ang service, kaya ayun ipinahiram ko muna ang ikatlong phone.

    and i have to agree sa iyo na it takes a peso to prove a txt worth. mas may meaning "siguro" kng ang mag te-txt ay taga ibang network at may bayad, hehe.

    ibig sabihin malaking effort din kung galing ibang bansa ang txt. hehe, kidding aside.

    nice entry BTW

    ReplyDelete
  4. Waaaah na-miss ko ang blog mo. Sobra!!

    Pangarap ko magkaroon ng sun cellular na phone. :) Kaso wala akong budget pambili ng extra phone.

    ReplyDelete
  5. @odin: sayang e, benta ko na lang kaya sa greenhills hehe

    @khentutz: wala naman akong naging masyadong problema sa sun, ok naman signal nya or di ko lang ramdam kasi walang nagtetext sa akin. :(

    @mink: i know the feeling, i've been in and out of the country, masarap ang feeling na makakareceive ng text galing pinas. Btw, mas matanda ako sa bro ko hehe.

    @joms: wag na sakit lang sa ulo at bulsa ang madaming phone, kkatamad na rin kasi ang magtext ngayon.

    ReplyDelete