Isang sabado habang naglilibot sa town, napagawi ako sa tindahan ng mga relo, tignan ko sana kung magkano yung tag heuer na nasa wishlist ko. Ang unang bumungad sa akin ay isang pamilyar na pangalan. Pangalan ng isang blogger ang brand ng relo. Akalain mong tatak pala ng relo yung blogger id nya, d ko ata alam yun, di ko rin alam kung saan nya kinuha yung id nya, maaring nabanggit na sa blog nya pero di ko na matandaan sa dami na ng mga entries na nandun.
Kung tutuusin di pipitsugin tindahan ng relo yung pinasukan ko, wala atang bababa sa $100 ang relo nila, kumbaga pang high-end talaga. Gaya rin nitong blogger friend ko, super high end pagdating sa blog pero simple lang na tao sa totoong buhay. Kukuhanan ko sana ng picture yung logo kasama ng mga relo pero nahiya ako masama na kasi tingin ng saleslady sa akin kaya yung brochure na lang ang inuwi ko at kinunan sa bahay.

Taong 2005 ng maligaw ako sa blog nya. Nuon panahon na yun nasa Saudi pa ko, konti pa lang ang mga bloggers at isa sya sa gabi-gabi kong binabasa at sinusubaybayan. Wala akong internet sa bahay nun ang gamit ko pa e yung GPRS sa celphone, natutuwa naman ako dahil isa ang blogger.com sa hindi naka-blocked sa bansang yun. Kahit papano e gumagana ang malikot kung pag iisip sa mga kwento nya.
Mahigit isang taon din akong naging lurker sa blog nya, pero madalang akong magbigay ng comment sa mga entries, hanggang basa lang ako nun. Buhay na rin ang notsonaughtyme na blog ko nun pero walang pang nakakadiscover at nakakaalam kundi ako lang. Nagulat na lang ako ng minsan magcomment sya sa entry ko, dun na nagsimula bumukas ang pinto ng blogging world para sa akin kasabay din sa pag introduce sa master ng lahat ng master na si tripper, ang nagpauso ng blog conspiracy.
Wala pang idea tong kaibigan kong to kung ano itsura ko nuon pero ako nakita ko na sya sa picture, hindi dahil sa stalker ako kundi naglalagay sya ng larawan sa blog nya tuwing birthday nya. (hint yan sa mga lurker ng site nya, malamang dumami ang traffic feed mo sa birthday mo) hehe.
Di ko alam what made him decide to meet me pero isang araw nakareceive ako ng text sa kanya na punta daw sya ng makati para maki-pag meet na may kasama pala syang bitbit hehe, ok lang sa akin since bababa lang naman ako ng opisina para i-meet sya sa foodcourt ng building na yun. Di ko makakalimutan ang meet-up na yun, yun ata ang turning point ng nananahimik kong blog life at pagtino ni macoy sa kanyang mga adventures hehe.
Nagmula sa simpleng meet up na nasundan ng bisita iglesia, ang mga 911 calls at text pati na rin simpleng inuman, birthdays at kahit yosi bonding, isa kang tunay na kaibigan.
Para kay Joms, Mugen, Pulsar, Dominus, Kitsune at kay pareng Darkstar isang maligayang pagbati sa iyong kaarawan.
You are indeed a person of substance and style. Happy Brithday my good old friend!

Oi oi!! Sobrang flattered ako sa iyong entry. Maraming salamat kuya Macoy. In two days ikaw naman!!
ReplyDeleteIngats ka lagi diyan. God bless!