To: Me
From: Xyz
Date: December 06, 2008 2:46pm
Subject: hoy
hoy nu nangyari. paramdam ka. salamat
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
To: Xyz
From: Me
Date: December 06, 2008 11:22pm
Subject: Re:hoy
ngek! tinext kaya kita nuon sabi ko and2 nako di ka naman nagreply. ok naman d2 tahimik pero nakakabored din, mahirap kasi magllibot una malamig pangalawa walang sasakyan, nakikisakay din lang ako, gaya mo nung few months mo jan, nakikisabay ka din. maliit lang to parng isang subdivision lang hehe. tapos mejo mahal ang bilihin x2 jan sa states. musta naman jan? di ba kayo apektado ng recession?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
To: Me
From: Xyz
Date: December 07, 2008 1:59pm
Subject: Re:Re:hoy
wala po ako rcv. salamt sa paramdam. may email naman di ba? goodluck!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
To: Xyz
From: Me
Date: December 08, 2008 3:28am
Subject: Re:Re:Re:hoy
alam mo parang ang init ng dugo mo sa akin. nagpunta ako sa jan sa inyo pero di naman kita naramdaman, ni hindi nga ata tayo nakapag usap o nakapagkwentuhan, kaharap mo laptop mo lagi o di kaya tv, ni hindi mo nga ako nasabayan kumain sa bahay mo, di ko na lang pinansin yun.
Cguro nga di kita na-email kasi pakiramdam ko d mo rin papansinin, sagutin mo man once after nun wla na. Gya ng pag text ko sayo na di mo pala narereceive.
Over the years cguro nga nagbago ako pero mas malaki changes mo. I've tried to be the old **** you've known in 2004, may nagawa man akong kasalan sayo pero nagsorry nko. Kung inis at galit ka sabihin mo lang.
Pasensya na kung madama ulit ako, gusto ko lang ilabas kung ano nararamdaman ko. Im afraid to confront you pero minsan kasi nanliliit nako sa yo.
Ingat lang lagi.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Alam ko naman na ako ang may kasalanan ng lhat kung bakit naging ganyan approach mo sa akin. Umasa ko na maaayos pa rin ang lahat. Di man natin natutuldukan pero sadyang naging iba na ang ihip ng hangin.
Nung binalita ko sayo na pupuntahan kita jan ramdam ko excitement mo sa telepono. Ako din natutuwa. Nasa eroplano pa lang ako naiisip ko na yung dati tayo.
Mala-pelikula nga ang eksna natin nung sinundo mo ko sa estasyon ng train. Ako na lang ang tao, mejo matagal din akong naghintay pero alam ko naman na padating ka na.
Nakita ko na sasakyan mo, kinawayan mo na ko. Bumaba ka ng sasakyan habang patawid naman akong sinalubong ka, may ngiti sayong mga mata ganun din sa akin.
Sandaling kamustahan at balitaan. Nakikiramdam ako pero parang may kulang.
Hinatid mo ko sa apartment mo para sandaling magpahinga samantalang ikaw naman ay babalik ulit sa trabaho.
Nakatulog ako pag gising ko parang nag iba na lahat. Sing lamig na ng hangin sa labas pakikitungo mo sa akin. Bumaligtad ang mundo ko ng sinabi mong dun na ko matulog sa kwarto mo habang ikaw naman ay sa sala na lang,
Sumang-ayon na lang ako sa gusto mo, kahit ang pakiramdam ko nuon e tinataboy mo na ko. Gusto kita yakapin, hawakan pero di ko magawa, takot na baka mapahiya. Nung gabing yun, gusto ko ng umuwi di ko na yata kakayanin ang dalawang gabi at dalawang araw na may ksamang napipilitan lang.
Natapos ang tatlong araw na walang nangyari, walang napag usapan.
Hinatid mo ulit ako sa istasyon ng tren.
Umalis akong malungkot, iniwan ko ang pag asa.
'Its the silence that tells it all. Sometimes its not about yelling and the tears. All it takes is for 2 people to sit beside each other and feel that something is wrong, that what was there before isn't there anymore..that they're miserable when they're apart but they're much worse when they're together.. And that there are only 2 options left... Either they sit still and ignore the pain.. or one of them gathers enough courage to stand up and walk away."
'Its the silence that tells it all. Sometimes its not about yelling and the tears. All it takes is for 2 people to sit beside each other and feel that something is wrong, that what was there before isn't there anymore..that they're miserable when they're apart but they're much worse when they're together.. And that there are only 2 options left... Either they sit still and ignore the pain.. or one of them gathers enough courage to stand up and walk away."
ReplyDeleteouch.
^^^
ReplyDeletethat is so true
>>marco