Thursday, September 15, 2005

EB...Energy Busted

It's been a long time since I had an EB. Di ko alam kung wala nakong ganang makipag-eb or nagsawa na lang ako sa processo ng eb.

Pero ngayon may schedule akong eb. Yun nga lang di ko in-anticipate na sobrang late pala nung napag agreehan namin oras. ewan ko ba dati naman may energy ako at excited kahit super late pa yan pero ngayon gabi tila ko kandila na nanghihina na at nauubos habang papalapit yun oras ng amin pagkikita.

we agreed to meet at 11pm, 1018pm na ngayon habang sinusulat ko tong entry na to, actually maaga pa lang nasa area nako ng agreed place namin not because excited akong i-meet sya pero dahil sa may mga inayos pa ko sa lugar din yun. Kala ko sapat na yung 3 oras na paghihintay sa internet cafe pero inaantok na ko. di ko alam kung dahil ba sa tumatanda nako o di na lang ako kasing active nuon. mas gusto ko pa atang matulog na lang. i-text ko kaya at sabihin ko na cancel na lang namin. sayang naman kung kelan malapit na tsaka pa ko aatras napagtitiisan ko na tong internet d2 kahit ang bagal.

So paano, sa next entry ko na lang ang susunod na kwento. ano kayang possibleng mangyari. till then.

No comments:

Post a Comment