Sunday, April 20, 2008

Qraid

Napadaan ako sa G4M site kanina para magbasa ng mga laitan at kung ano anong klaseng advertisement ng mga members.  Usually, sa sex talk forum ako nagbabasa.  Well, ganun pa din mga topic nila: anjan naghahanap ng ka-text sa same mobile network, siempre nga naman sayang ang unlimited text, anjan laitin ang isang member na naghahasik daw ng lagim sa gym at walang kamatayang paghahanap ng panandalian aliw na malapit sa kani-kanilang lugar.

May isang topic tungkol sa raid daw sa "Club Bath".  Una pa lang duda na ko sa balitang yun pero pinasok ko pa rin at binasa.

Tama nga hinala ko, nagpapansin lang yung nagpost.  Wala siyang concrete evidence na naraid nga, kumbaga tsismis nga lang at bali-balita.  

May point nga naman yung mga nagcomment kung bakit di mare-raid ang CB:

*kumpleto sila sa mga business license at permit, nakapaskil pa sa entrance nila
*matagal na silang nag ooperate so kumbaga e known na sa mga kinauukulang kung ano business nila
*katabi lang sila ng city hall at posibleng malakas sa taas since dating actor daw ang may-ari
*wala silang liquor o beer na binebenta, wala din mga live shows at m2m movies na pinapalabas.

Lumipat ako ng general forum para mejo wholesome naman.  Wala naman akong nakitang interesanteng topic hanggang sa umabot ako sa dulo, meron na naman akong nakita na raid din daw. 

Last entry ko e tungkol sa Q or Queeriousity.  Finally, nag open na sila this month.  Ayun, ayon sa topic nung forum na-raid nga daw ang Q.  Di ko na sana babasahin yung forum baka kung anong maling balita nanaman to, pero tinignan ko na rin.

Sabi sa unang post sa topic, 

"So traumatic. My first time. and we're busted. hay."

Mukhang totoo nga... parang may mga basis yung mga sagot nya sa tanong ng mga readers.

Ayon sa kanya:
*has something to do with business permits daw sabi nung boss na police. o baka namemera lang may sabi sabi na baka daw ung kalapit na bath house pasimuno. not sure though.

*hay, the hell with them. nagbihis kaya ako. kahit makukulit sila. lahat naman pinapagbihis. nung nahuli, syempre nakatapis. yung iba nga, nasa reception pa lang. nakashirt pa. at kaka-register lang daw nila. kawawa lang yung isa. kasi, i can see from his face na na hahighblood na sya. ang alam ko pinabayaan makauwi ung isa, kasi sagutin ng pulis e. inaatake ata kaya pinabayaan na.

*ewan ko ba sa mga pulis. sabi ni boss police. kailangan daw isama lahat para malaman kung sino employee at customers. after malaman, yung customers papauuwiin daw. pero antagal namin dun. nagpapaimportante pa siguro. parang hostage tuloy kami. na hanggat walang lagay ung may ari e di kami papauwiin.

*wala naman kami magagawa kungdi sumama. may baril kaya yun. may baril din ako. kaso, nakatulog na sa takot at kaba. andami kayang mga tao sa labas ng club na nag uusyoso. ang kaso kasi, ung boss police medyo mainit. naninigaw. tapos lagi may panakot mga police na ipapatawag mga pamilya ng mga nahuli e mga tago pa namn kami. dapat talaga alamin kung ano ang kaso kapag nandun. bakit hinuli? ano kaso? kaso pag instant na naandun ka mahirap pala. nauunahan ng kaba. dapat may taga sabi ng inhale, exhale. hehehe. para marelax ka.

Di ko alam kung matatawa ko o maawa sa kanya, hehe, pero sobrang kahihiyan ang inabot nila, kung ako mahuhuli dun malamang aalis na lang ako ng bansa para iwas sa mga makakaalam.

May paliwanag naman yung may ari ng Q.  e2 post nya sa thread na yun sa G4m: 

"HAY? DONT KNOW HOW TO START THIS TESTIMONIAL IN GAY COMMUNITY..

SA MGA MEMBERS ANDUN KANINANG MADALING ARAW....SORRY FOR WHAT HAPPEN AWHILE AGO...KAYA KAYO SINAMA SA PRESINTO..THEY JUST WANT TO CHECK KUNG MAY PROSTITUTION NGA TALAGA SA QUEERIOSITY AT KUNG TALAGANG MEMBER KAYO OR STAFF OR MGA BAYARAN.....PERO, DI KO KAYO HINAYAAN ALAM NYO YAN....UR ALL IN GOOD HAND...

AYON SA REPORT ANG COMPLAINANTS AY MANSION.....SILA ANG NAG REPORT.....

DONT WORRY GUYS...THIS WILL BE 1ST AND THE LAST HASSLE PARA SA QUEERIOSITY MEMBERS...REST ASSURED IT WONT HAPPEN AGAIN... THAT I CAN PROMISE YOU GUYS.....

TO MANSION MANAGEMENT: KAILANGAN KO E VOICE OUT ITONG GINAWA NYO SA AKIN AT PARA MALAMAN NG GAY COMMUNITY...DONT WORRY WALA PA RIN KAYO MARIRINIG SA AKIN...FOR THIS I WILL REMAIN..

HAY......ALL I KNOW "QUEERIOSITY IS HOT"
QUEERIOSITY IS STILL OPEN FOR BUSINESS...

WITH THIS EXPERIENCE WE CAME OUT MORE STRONGER, MORE CONFIDENT, AND REDI FOR WATEVER CHALLENGES QUEERIOSITY WILL BE FACING IN THE FUTURE..."


Tsk! Tsk! sila sila pala ang nagsusumbungan pero di nga maiiwasan ang competition lalo na kung maganda ang facilities ng bagong sulpot na establishment.

May free entrance daw last night sa lahat ng nahuli.  hahahaha! ewan ko lang kung may pumunta nga...

Well, lightning doesn't strike twice! hehe
 

3 comments:

  1. wow, may update na rin. tama ka diyan. di magkakaroon ng panibagong raid in the near future. iyung iba na lang muna. baka sinehan naman. hahaha

    ReplyDelete
  2. Kaya kahit malapit ang epitome sa akin, dinayo ko ang club bath noon. Alam kong matigas ang backer ko.

    ReplyDelete
  3. ala natakot tuloy akong sumubok hahaha

    ReplyDelete