Sunday, November 18, 2007

The Blogging Year That Was

43 days to go and year 2007 will finally be over...

Sadyang napakabilis ng panahon, parang kelan lang ng simulang mabulabog ang nahahahimik kong blog. Wala talaga kong intention na gawing public ang blog ko o ipaalam sa iba na meron akong ganitong klaseng blog. Ang tanging nasa isip ko lang nun e itala ang aking mga adventures na para pagdating ng panahon e meron akong mababasa at pagtatawanan ang aking mga katarantaduhan nung ako nasa peak ng aking pag eexplore.

Di ko sinasabing napasama ang pagpasok o pagkakaroon ng mga followers at mga kaibigan sa blogging world. Nakakataba nga ng puso lalo na pag sinasabing ako ang kanilang naging inspiration sa pag cre-create nila ng blog kahit na ang ibinigay kong idea ay para sa kanilang kalokohan. Sadyang may mga limitasyon lang na dapat isaalang alang at masyado lang ako na overwelmed sa mga pangyayari na hindi ko napaghandaan ang mga bagay bagay.

August 2006 ng may unang mag comment sa blog ko, dun nagsimula ang lahat. Batuhan ng komento sa bawat entry hanggang sa ang trapik ng blog ay unti unti ng dumadami.

Sa umpisa, naaaliw ako dahil may pumapansin na sa wala kong kwentang entries pero ng naglaon e nahihiya na kong mag post dahil sa narami ng matang pwedeng humusga sa aking pagkatao base sa aking mga naisusulat.

As of this blog, lima pa lang ang namit kong mga bloggers, maayos naman ang amin mga naging samahan kahit na sa online lang nakakapag usap at kwentuhan. Ganun talaga meron naman kaming sari-sariling buhay.

2007 din ng matuldukan ang 3 taon kong relasyon, nabulagan ako sa mga bagay bagay at nagpadala sa silakbo ng damdamin. Di pa rin maalis sa isip ko ang sinabi nya sa akin:

"Kung ipagpapalit mo ako, siguraduhin mo lang na mas higit pa sa akin" .

Nasa huli nga ang pagsisisi, di kayang pagpalit sa tawag ng laman ang tunay na samahan. Pero sadyang may katapusan ang lahat pero hangad ko pa rin magkaayos kami bago matapos ang taon na walang samaan ng loob. Nakakapanghinayang pero kung yun ang nakasaad sa aming tadhana e maluwag kong tinatanggap.
...
First quarter of the year ng mabalitaan kong ipapadala ako sa US. Excited dahil bagong venue kung saan pwedeng mag explore pero dun ko din napatunayan na kaya kong tumino at tumupad sa binitawang mga pangako. Ang dating noting macoy at naging santong macoy. Walang pagsisisi, maraming aral na natutunan.
...
Dalawa pang maiikling relasyon ang aking sinabak na sa sobrang ikli e di mo masasabing relasyon nga ba o infatuation lamang? Maiikli pero may kirot pa din kahit papano. Maraming katanungan pilit hinahanapan ng kasagutan pero hahayaan na lang na ganun at susubukan harapin ang hinaharap na dala ang aral ng lumipas.
...
Ganito pala ang buhay single, kung bibilangin cguro e officially 3 months na kong di committed. Minsang masaya, minsan malungkot. Kung kelan ako free magloko di ko naman magawa. Ewan ko ba wala na sigurong thrill. I haven't dated din, puro labas lang with tropa.
...
Kung may term na exclusive dating, meron din kayang term na exclusive texting/textmate? Cguro yung ang status ko ngayon. Weird pero hirap mag invest ng feelings ngayon parang ayoko na. I've set some deadline for myself if nothing happens til the end of the year, next year cguro e straight na ko hehehe.
...
"Moving forward in 2008" yan ang tagline ko for the coming year, as early as now, I've set some goals & things to do & to avoid. Well, sabi nga it's too early to end this year may December pa pero ano ba naman pwedeng mangyari sa loob ng isang buwan. I am more excited of the coming year, looks promising and a good year to start anew.
...
Wishing each & everyone a happy christmas & a bountiful new year. May your experiences in 2007 be a lesson to make you strong in facing the trials of life.
...
wala lang...

5 comments:

  1. Gaya mo, tingin ko'y naging challenging ang taong ito para sa akin. Hindi na ako mag-eexpect sa 2008. Come what may, ika nga. Basta lahat ng nangyari, nakasulat pa rin sa blog ko.

    Guess what, may mga nakadiskubre sa blog ko na hindi ko gustong madiskubre nila. Mula sa adventures ni Kitsune at Darkstar, tingin ko, panay ang kutya nila sa akin.

    Pero ok lang, it's my life. Nakakahiya man magsulat ng kwentong kalokohan minsan, pero ika nga sa kantang Demons ng Guster.

    Honest is easy
    Fiction is where genius lies.

    Hanggang sa muling pagkikita kuya macoy. :)

    ReplyDelete
  2. macoy,

    nawa ay marami pa kaming mabasa sa blog mo! salamat sa inspirasyon!

    mink

    ReplyDelete
  3. your nie no matter what people say

    dont be shy because thats YOU

    cheers for 2008!

    ReplyDelete
  4. What an early year ender post :)

    Hhmmm... What can I say, isa ako sa mga nainspire na gumawa ng blog after kong basahin ang blog mo. Hahaha grabe naman kasi ang mga laman eh. Nakaka... basta yun! Alam mo na yun :)

    Thanks thanks for everything your blog gave this year and hope to still be able to read more post come next year :)

    ReplyDelete
  5. good for one month ang entry na ito ah. sana meron pang kasunod in between. hehehe

    ReplyDelete