Saturday, August 04, 2007

Toink!

"di ko alam kung pinapa-turn off mo lang ako sa yo o insensitive ka lang"

Isang malaking HELLLLLLOOOOOOOOWWWWWWWWW!!!!!!!!! di kaya ako ang turn off sayo at ikaw ang insensitive at di mo napapansin.

Sa malayo pa lang pinagdarasal ko na sana di ikaw yung natatanaw ko pero nung mapalapit ako sayo bigla kang nag "OIST!!!!"

patay! ang nasabi ko sa sarili ko, sabay sabing pasok lang ako sa loob order lang ako ng frappe. Pag ka-order habang naghihintay ng aking coffee jelly, konting inspection sa paligid, shuccckks! ang dami pa rin tao kahit past 12mn na. Buti na lang at ang nakuha nyang pwesto ay sa dulo.

Halos di na makita mukha ko sa sobrang pagkababa ng cap ko, paglapit sa kanya puwesto ako na nakaside sa kanya, ayoko ko syang tignan!

Kwento lang sya ng kwento with matching pilantik ng daliri, isang tanong at isang sagot lang naman ako. Binuksan ko celphone ko, salamat at may airborne wifi, libre ang internet ko! Kwento pa rin sya ng kwento habang busy naman akong nagwiwifi sa celphone. Mukhang ok lang naman sa kanya ang ginagawa ko.

Di ako makabatse agad dahil sayang yung frappe ko at nageenjoy ako sa wifi hehe. Siguro nakakahalata na ang prinsensa nagyaya mag inuman.

"tara inom tayo"

Huwaaaaattttt?!!! sabi ko sa sarili ko, mukhang may maitim pa atang balak to. "One thirty na kya, pagod na ko" ang hirit ko.

Natahimik sya samantalang ako continue pa rin sa ginagawa ko. SInce alam ko nababadtrip na sya ako naman kunwari nagtatanong ng mga nonsense na bagay. Biglang humirit ng...

"wala kang kwenta"

aba at ang lakas ng loob sinabi sa akin ng harap harapan, mukhang tumalab na strategy ko. Di ako umimik, continue pa rin ako sa celphone ko di na rin sya umimik!

"uwi na tayo, sarado na starbucks, paano ka uuwi?" sabi ko

"saan ka nakapark?" tugon nya

nak ng! di talaga makahalata ang lola at gusto pang sumabay samantalang nagkalat ang taxi sa harap. No choice nako, gentleman naman ako kaya sinabay ko na rin kahit isang kanto lang e bababa na sya.

Aba! at inaaway nako sa kotse para kaming may LQ! lakas ng tama ng taong to, addict ata to e? hehehe. Kung may eject button lang yung kotse ko, kanina ko pa hinulog yun. Everytime na may taxi akong nakikita humihinto ako pero di nya magets na pinabababa ko na sya. Malayo na tinatakbo ng kotse ko, sge dun ka na lang bumaba sa katipunan sabi ko. Kinu-question ako bakit daw ako ganun! blah blah! blah!

Nag iinit na talaga ulo ko, kailangan ng sindakin to...

"YOU KNOW WHAT? I'M TIRED, I CAME STRAIGHT FROM WORK, I DONT KNOW YOU & DONT EXPECT ANYTHING FROM ME, UR ACTING AS IF UR MY GIRLFRIEND! (mejo high tone, hehehe)

haaay! natahimik din, kailangan sinisindak pa e.

When we reached katipunan, cguro mga 3-5 minutes din akong nakahinto, ayaw pa talagang bumaba. I dunno if he's waiting to hear aomething from me. He grabbed my hand and squeezed it, bigla ko naman tinanggal, sabay labas sya.

I hate that scene, nakahinto kami tapos ayaw nya bumaba may mga tao kaya sa labas, para kaming may LQ talaga, kayamot.

Sorry for being rude... nagiging rude lang naman ako pag rude din naman kaharap ko, nag expect lang siguro sya sa akin pero wala naman akong pinakitang motibo sa kanya.

Lesson learned: On a friday night pag walang kang magawa umuwi ka na lang at wala naman kayong gimik manuod ka na lang ng prison break. E nabobored lang ako tsaka gusto kong magkape. O edi cge, e di yan ang napala mo. hehehehe TOINK!

(sorry po kung mejo nakakaoffend entry ko)

6 comments:

  1. Toink!!!

    "...Hindi ako turn off sayo..."

    Question Macoy, si "lola" ba ang sinasabihan mo nito o si "...."

    I don't see your post as offending (Unless ako pala si "lola"!) It's actually refreshing and full of reality. I like it. (O tlagang mahadera lang ako?)

    Macoy kelan ang inuman? Mukhang madami kang ikukwento eh hahahah :)

    ReplyDelete
  2. Dapat ginamit mo ang phone-a-friend option natin. Hehe, dali kitang itinakas kung ginusto mo lang. HEhe.

    ReplyDelete
  3. @DK: intriguero ka DK ah, hehehe at sino naman si ...? ano naman ang ikukuwento ko? hehehe kaw kaya ang maraming happenings sa buhay kaya ikaw ang maraming ikukuwento. hehe

    @mugen: late na kasi masyado, naisip ko rin yun kaya pa naman e, hehehe

    ReplyDelete
  4. antaray nung date mo Macoy, assuming to the highest level... hehe

    ReplyDelete
  5. Fine fine madami ng kwento pero meron ka ring mga dapat ikwento noh!

    At anong sino si ....? Haller!!! Ikaw pa lam ko getz mo na agad yan hehehe

    ReplyDelete
  6. hahaha. at saan mo naman nabingwit ang ka date mo? sinabi mo ba sa post???? hindi yata eh. pero irrelevant na rin. ang importante, napatunayan na naman kung gaano ka ka kapasensiyoso. kaso taray mo pala. hehehe

    ReplyDelete