Sumakay ako ng lrt, the usual punuan pa rin. Sa gitna ng katahimikan bigla ba naman may tumunog na mesasage alert mula sa parokya ni edgar:
"this guy in love you pare!"
(yung intro ng bata bago yung actual na kanta)
tama ba naman yun?! gusto ko sana lingunin kung kanino yung ringtone na yun baka sakaling cute pero mahahalata naman ako. maraming beses din tumunog yung message alert at everytime na tutunog e feeling ko guilty ako. hehehe.
ang lakas ng loob nung mya ari ng ringtone na yun, masyado syang obvious. well, kanya kanya lang naman yan. kung dun sya masaya o gusto nya lang magpapansin wala ako magagawa dun. to each his own.
talking of inlababo, di ko alam kung totoo yung mga text ng bago kong nameet. may miss you at love you na sa text nya. sinasakyan ko na lang. i still believe pa rin naman sa "magic", hehe para bang got to be lieve in magic. ewan ko pero attracted din naman ako sa kanya pero wala ata yung magic.
tignan ko na lang sa next meet up namin (he insist na mag overnight ako sa kanila) kung may magic or for real nga ba sya o sex lang ang habol nya.
My message tone is "Darna!". As in yung boses ni Regine Velasquez sa Darna ng channel 7. Di pa ba masyadong halata? How gay can you get di ba? LOL! =)
ReplyDelete