Ang adobo pag araw araw mong kinakain nakakasawa kahit sabihin pang pag tumatagal lalong sumasarap, adobo at adobo pa rin yan.
Di hamak na mas mahal kapag ite-take out mo kumpara sa "buffet" na sa halagang P250 e eat all you can ka na, wala pang time limit kahit from opening to closing e nandun ka, hehe.
Ganyan ang CB at F, parang isang buffet table. nakahain na lahat ng putahe, titikman mo na lang ayon sa yong panglasa, pero siempre di lahat ay pwede mong kainin. Meron mga putaheng isang hainan lang, meron naman na masebo o mamantika, sunog at hilaw, meron din naman na everytime na bumalik ka e laging nandun, hehe. iba iba, sama sama, minsan nga sa isang plato dalawa hanggang tatlo ang ulam. Meron mahina kumain, meron naman na di nagsasawa sa isang putahe. Maiiwasan ba ang take home at free delivery? hehe depende na yun sa caterer.
Siempre kapag napasobrahan ka e impatso ang labas mo, kaya eat moderately lang, ika nga namnamin mo muna kinain mo bago ka bumalik sa mesa. Konting pahinga muna bago sumabak sa kainan, tunawin muna ang kinain pero kung bitin ka mag desert ka na muna at mabusog ka na lang sa tingin.
Teka, ginutom ata ako... makapag buffet nga! hehe..
No comments:
Post a Comment