Maraming beses ko ng gustong magsulat ulit pero mas malakas ang puwersa ng katamaran para ipagpaliban ang pag blog muli.
Di na rin ako nakakapagbasa ng mga blog ng mga taong dito ko rin nakilala. Malakas din ang inferiority complex ko sa pagsulat dahil higit na maraming mas magaling sumulat. Takot akong mapuna sa mga grammatical error na maari kong masambit. Anjan din ang mga nagsulputan blogger na halos pare-parehas na ang tema. Ewan ko ba pero maka-Old School ako, mas gusto ko yung mga sinaunang blog kesa sa makabagong blog entry na walang laman kundi magyabang at magpanggap. Kung sabagay, meron naman silang karapatan gawin yun dahil sila ang may ari ng blog na yun, ika nga kung iritado ka sa blog na yun edi wag mong basahin. Tama nga naman.
Marami pang mga dahilan kung bakit tumigil ako sa pagblo-blog. Anjan na yun wala akong maisulat o wala akong interesanteng masabi dahil sa kasalukuyang lugar na aking ginagalawan, in short, wala akong adventures.
Siguro din e dahil sa edad, sadyang tumatanda nako at napaglilipasan na ng panahon.
Isa rin sa naging dahilan ko e ang naunsyaming relation na tumagal lamang ng 9 na buwan ata nagtapos nung enero 2010. Alam nya ang blog na ito kaya natakot akong may mabasa pa syang iba.
Nasabi ko rin na naging matino ako sa pagpasok sa bagong relasyon kaya nahinto ng tuluyan ang pagblog ko. Pero sabi nga, once a blogger will always be a blogger, di lang natin alam kung kelan ulit magsusulat.
Pero higit sa lahat once naughty...will always be naughtier...with caution!