Dumadami na sila...at napapaligiran na nila ko!
May bagong saltang beki na naman sa bayan. Di makakailang beki dahil sa kilos pa lang obvious na, lalo na ang mga tropa e mga beki din. Bagong dayo lang pero feeling close na sa akin.
Nagkataon kasi na kababayan sya ng isang close kong kaibigan babae kaya ayun instant tropa na sya nun.
Minsan napadaan dito sa bahay si babaeng friend para makiyosi. Kasama nya mga tropa nyang beki. Di ko magawang tignan dahil alam ko nakatitig sa akin.
Bigla ako kinabahan na marinig kong mag usap ang dalawang beki,
"saan na naman ang hada mo bukas?"
"sa town lang" sagot ng bagong saltang beki"
"may date kayo ni Mike noh", panunukso nung beki.
Yari! nasambit ko sa sarili ko. Parang kilala ko yung Mike na tinutukoy nila. Siya ata yung nakaencounter ko nuon. Actually, sya lang ang una at huli kong nakaencounter dito sa lugar namin.
Sana lang iba yung Mike na tinutukoy nila pag nagkataon talagang yari ako, sira ang tinatago kong sikreto. Sana lang hindi madaldal tong Mike na to at makuwento ko sa bagong saltang beki.
Matagal na nila kong pinagdududahan dito, sa dami ng pinapadate nila, ni isa wala akong naging syota.
Ang hirap dumumi sa bakuran, takpan mo man, aalingasaw pa rin...
No comments:
Post a Comment