Wednesday, July 11, 2012

7th Year

A month from now, this blog will celebrate its 7th year of existence in cyberspace.

Di pa uso ang facebook, twitter, instagram at kung ano ano pang social networking site.  YM pa ang sikat sa pagchat.  Ibang saya at kilig ang dulot ng blog nuon.  Nandun ang misteryo ng mga nagko-comment, ang exchange of thoughts sa bawat entries at maging ang samahan naidudulot nito kahit sa cyberspace lang.

Naging kabote rin ako sa blog world.  Minsan may entry, minsan wala, pero di ko pa rin maiwanan o magawang isara ng tuluyan ang mundong naging bahagi ng aking pagkatao.

Maraming naligaw, pero iilan lang ang tumatak, namalagi at naging kaibigan.  Madalang man mag usap lately pero alam mo maasahan ano mang oras ng pangangailangan.

Tumakbo man ang oras, magbago man ang teknolohiya, habang di nagsasara ang blogspot, mananatiling bukas ang blog ko, para alalahanin ang mga kalokohan, kapilyuhan at maging ang mga aral sa buhay ng mga hamak kong karanasan.

Cheers!


No comments:

Post a Comment