Mga quotes daw ni Bob Ong, got it from an email nilagyan ko lang ng comment, may point naman sya actually nasa tao na lang kung paano interpret.
1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon." –Tama! Pero kaya kaya ng focus at control ang temptation? Ang dami kasing naughty e hehe. Tawagin kaya natin si mickey mouse baka makatulong hehehe.
2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo." – E kung iba ang sinasabi ng puso sa utak?
3. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o kamukha nya si Mike Scofield o kahawig nya si Nick Carter or magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka." –Totoo to, meron akong kaklase nung elementary, super lakas ng sex appeal, halos crush sya ng lahat, ayun nabuntis at kinasal nung college, huli kong kita sa kanya losyang na sya. Sayang! hehe
4. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"– ang internet pwede kayang sisihin?
6. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba." – Pano kung kusa na itong dumudulas sa pagkahawak mo? Mahirap hawakan ang bagay na madulas.
7. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang." - Oo nga naman kahit masarap ang humawak.
8. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na." – Why not? Kung worth the risk naman. Toink!
9. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin." - E paano kung nasa 15th floor? nakakapagod maghagdan. Pero agree ako kahit cguro mahirap magpanik panaog sa hagdan di ko rin pagsisiksikan sarili ko.
10. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang." – Mahirap mag move on pero may secret formula ako, six months guaranteed, hehe
11. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa." - Pero remember ang mga martyr ginagawan ng rebulto.
12. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang." – Unfair talaga, kung sino mahal mo di ka naman mahal pero ganun talaga mahirap turuan ang puso kaya maghagdan ka na lang kesa elevator, exercise na good for the heart pa, hehe.
13. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?” – di lang sa tanghali pati sa gabi for sure di rin sila makakatulog.
14. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko " – eto pinakamahirap sa lahat, ang maging “addicted to you”, kelan kaya magkakaroon ng rehab para d2.
15. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. " - or di lang talaga kayang tanggapin ang katotohanan, truth hurts e.
Praning ka talaga dadi mac. Hahaha.
ReplyDeletehindi ko naisip ang mga tanong na ito nung una kong nabasa ang libro ni bob ong. infairness, my point ka!
ReplyDelete