Thursday, November 13, 2008

Wanted: Hauzmate

Im currently staying in a one bedroom apartment kung saan ang opisina ko ay nasa itaas lang. Kumbaga e walang ka-effort effort sa pag commute o pag gising ng maaga, kahit cguro naka pajama lang ako kung pumasok basta wala sina bossing e ok lang pero wag naman ganun dapat professional pa din.

Eto ngayon ang problema, gusto kong solohin yung apartment kaya lang sa laki ng monthly rental nanghihinayang ako sa savings na makukuha ko kapag isha-share ko sya. Ok lang sana na magsolo ako pero base sa gusto kong ipon yung kalahati ng renta ko e pwede ko ng maging panggastos sa loob ng isang buwan masusunod pa ang desired savings ko.

Hindi naman ganun kahirap ang problema ko, kahit sino cguro na willing magbayad e pwedeng umupa at maging hauzmate ko kaya lang mahirap ang makisama. Meron na nga agad nagpahiwatig ng interes pero sinabi ko na lang na di ko pa natatanong sa employer kung pwede kong i-share since parang subsidized sya kahit alam ko naman na papayag din ang boss ko.

Ako kasi yung taong suplado at di masyado palausap lalo na pag di ko kilala. Di rin ako marunong makisama lalo na pag straight ang kaharap ko, baka lalong di ako umimik pwera na lang cguro kung cute pero malabong mangyari yun haha. Gusto ko sana PLU din maging ka-hauzmate ko pero mahirap naman ata na humanap nun unless may nangyari na sa amin hehe. Mahirap din naman atang mag advertise na ang qualification e dapat PLU at cute siempre di kasali d2 yung mga obvious kumilos hehe.

Kung female hauzmate naman, mas ok sa akin yun, safe sya dahil di ko sya gagalawin di kami talo hahaha pwera na lang cguro kung ako ang gagapangin nya. Ok din kung babae kasi malinis sa bahay, marunong naman cgurong magluto at di pasaway wag lang may boyfriend, di ko rin problema makisama sa mga babae dahil sweet daw at gentleman pa pagdating sa babae hehe.

E ang kaso, meron kayang magandang babae na papayag makishare sa isang binatang kagaya ko sa isang kwarto lamang? Pero magkaibang kama naman. Parang live-in nato pero exciting ala "will and grace".

Teka kung babae pala, paano na ko makakapag g4m, xtube at lifeout, yan na nga lang ang way of life ko dito magiging patago pa. Pero ok na din yun para prelude sa pagiging straight hehe.

Makahanap pa kaya ako nyan sa tindi ng hinahanap ko sa isang hauzmate hehe pwede naman akong mag adjust e, ako pa.

Baka may kakilala kayo jan, sabihin nyo lang sa akin hehehe.

5 comments:

  1. Ang layo naman kasi eh. Hehehe. Hanap ka ng lesbian para astig! Lol.

    ReplyDelete
  2. mas maganda siguro na di pinoy ang magiging hauzmate mo. kung pinoy man, sana iyung di tsismoso o pakialamero. mas ok siguro pag babae ang hauzmate. :)

    ReplyDelete
  3. would you mind if i ask where the place is? i am actually looking for one where i can stay during weekends plus probably 1 or 2 days on weekdays. i'll pay the full share though, so don't you worry.

    professional here.

    ReplyDelete
  4. @mugen - pag lesbian baka agawan ko sya ng gf hehehe

    @trip - mahirap ang ibang lahi, mas mahirap pakisamahan, may kapitbahay akong portuguese di ko nga pinapansin.

    @john trek - email me ur details at macoy77@yahoo.com pati na rin pix haha joke! seriously bro, im currently working abroad and staying in the carribean sorry di ko pala nabanggit sa blog pero once nakabalik ako ng pinas and rented an apartment, una ko offer sayo if you still in need of a place by that time hehe :D

    ReplyDelete
  5. i guess you will be the one sending me an e-mail by the time you get back. or probably you'd write it in your blog and i'd find out. i'm really not rushing though so either way, here's mine: iamtrek@gmail.com.

    until then.

    ReplyDelete